SCS Math
Govinda Maharaj

L quote
Dapat tayong magbigay ng pagkilala sa lahat, maging magalang sa bawat isa, sumunod sa lahat ng naisin ng Panginoon, at ang mga vaisnavas ay magiging mabuti sa atin. Iyon ang mga pamamaraan na binigay ni Srila Bhaktivinoda Thakur. Maaring mahirap sundin iyon, ngunit kung kailangan natin ng katunayan, dapat tayong magpatuloy sa natatanging daan na ito.
R quote

Ang lahat ng kaluwalhatian ay iniaalay kay Sri Sri Guru-Gauranga!


Maligayang Pagbati sa Inyong Lahat

Malugod namin kayong inaanyayahan na bisitahin ang Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Branch Tagalog Websites. Ang Sri Chaitanya Saraswat Math ay isang Banal na Templo ng Dalisay na Debosyon, Itinatag noong 1941 sa Sri Nabadwip Dham, West Bengal, India, ng Kanyang Banal na Grasya Om Vishnupad Sri Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj.

Ako si Ishani devi dasi, 25 taon ng nagsasanay ng Pilosopiyang Vaisnavism. Ang aking guru si Srila Tamal Krsna Goswami Maharaj, na pumanaw na sa mundong ito. Pagkaraan ng limang taong pagpanaw ng aking Guru. Lumapit ako kay Srila Bhakti Govinda Dev-Goswami Maharaj para sa kanyang mapagpalang paggabay sa aking spirituwal na buhay. Sa ngayon ako ay nasa mapagpalang paggabay ni Srila Bhakti Govinda-Dev Goswami Maharaj. Ang mga ispirituwal na serbisyong aking ginagawa ay ang pagluluto, paggawa ng kuwintas na bulaklak, pagbibigay kaalaman sa pagluluto ng vegetarian, pag-aalay sa Deities, pagpapalaganap ng pilosopiya ng vaisnavism, pagsasalin ng libro sa wikang tagalong at ang potogropiya.

At ang aking mabutihing asawa na si Ratnanabha Das ay 35 taon ng kasapi ng Pilosopiyang Vaisnavism. At ang kanyang Guru ay si Srila Bhaktivedanta Swami Prabhupad. Sa loob ng 35 taon ng kanyang pamamalagi ay maraming serbisyo ang kanyang nagawa katulad ng pagpapalaganap ng mga katuruan sa pilosopiya ng vaisnavism, pag- luluto, paggawa ng maka-diyos na gawain, paggawa ng ispirituwal na video, at potograpiya.

Ang aming layunin ay ipakilala at ibahagi ang Pilosopiya ng Vaisnavism sa lahat. Walang pinipili kahit anong lahi, kahit anong klase ng tao, ng katayuan sa buhay, ng kasarian, ng relihiyon. Hindi ito sektariyan, lahat ay puwedeng maging bahagi ng pilosopiyang ito.


Misyon | Govinda Maharaj | Mga aklat | Mga larawan | Kontak | SCS Math

URL: http://philippines.scsmath.org/index.html
Sri Chaitanya Saraswat Math — Sangay ng Pilipinas