SCS Math

Bhagavat Darshan — Pagbubunyag Hindi Pag-aakala

ni Srila Bhakti Sundar Govinda Maharaj

Sa aklat na ito ay magkakaroon tayo ng kaalaman sa pamamagitan ng isang sandali ng pakikisalamuha sa mga banal na tao makakamit ang lahat ng kawastuhan sa debosyonal na buhay.

Ang Srimad Bhagavatam ay ang pinakabuod ng lahat ng pilosopiya. Ang sinumang makaunawa ng pinakadiwa nito ay hindi na maakit ng ibang kaisipan. Mula rito hindi natin maiintindihan gaano karaming kasiyahan ang nangyayari sa Banal na Paglilingkod sa Diyos.

Una ay mahalagang dalisayin ang ating sarili at sumuko at sumali sa mga taga-paglingkod sa transendental na tahanan na yaon sa pakikinig (sravan) at pag-awit (kirtan)-lahat ng siyam na uri ng debosyonal na gawain. Pagkatapos ay mapadadali ang pagkamit ng mataas na pang-unawang espirituwal.

Download PDF para ilimbag

Bhagavat Darshan

dharmah svanusthitah pumsam
visvaksena-kathasu yah
notpadayed yadi ratim
srama eva hi kevalam

Srimad Bhagavatam (1:2:8)

Ang Srimad Bhagavatam ay inilarawan ang pagsasanay ng relihiyon sa berso na ito: Kung walang nabubuong atraksiyon para sa Diyos, lahat ng ating ginagawa ay walang halaga. Sa Banal na kasulatan — ang Vedas, Vedanta, Upanisads, Puranas, Itihasa — relihiyon, gayundin ang pagsasabuhay ng relihiyon ay inilarawan.

Ang Srimad Bhagavatam ay ibinunyag matapos na bigyan ng utos ni Narada Goswami si Vedavyasa, kung saan, sa pamamagitan ng dakilang inspirasyon ng Panginoong Diyos na si Krishna, ang sumulat ng lahat ng Banal na Kasulatan ng Vedic. Tinipon ni Vedavyasa lahat ng Banal na Kasulatan upang masagip ang mga kaluluwang naliligaw ng landas, at higit sa lahat, upang magbigay sa kanila ng pagkakataon na makapagbigay serbisyo sa Diyos.

Si Bhagavan Vedavyasa, na may lahat ng kayamanan ng kasulatan, ay nagbigay ng lahat ng kaalaman sa mga kaluluwang naliligaw ng landas, ngunit pagkatapos ay hindi kuntento at nakaramdam ng kakulangan: "Ibinigay ko ang lahat sa mundong ito upang masiyahan si Krishna na Panginoong Diyos. Kahit si Krishna mismo ay direktang nagbigay sa pamamagitan ng kaalaman ng Bhagavad Gita at iba pang Banal na Kasulatan, nagbigay ako para sa pinakamatinding pakinabang ng kanilang espirituwal na buhay, nanatili pa rin akong hindi kuntento. Bakit hindi ako nakadarama ng katahimikan sa aking isip?"

Narada Goswami

Sa panahong yaon ay nakita niya na si Narada Goswami, ang kanyang gurudeva, ay dumating upang makita siya. Habang nakikita si Narada Goswami ay naisip niya, "Ngayon ang aking Panginoon ay naiintindihan na ako'y nagdurusa." Nagpuri si Krishna Dvaipayana Vedavyasa kay Narada at nagtanong, "Prabhu, bakit ako nagdurusa sa problemang ito?"

Sinabi ni Narada Goswami, "Dahil sa iyong pagkabigo lumapit ako sa iyo. Kahit na binigay mo ang relihiyon para sa mga nakondisyong kaluluwa sa daigdig na ito, na siyang kagamutan para sa mga taong maysakit, hindi ka nagbigay ng mungkahi para sa mga taong walang karamdaman."

jugupsitam dharma-krte 'nusasatah
svabhava-raktasya mahan vyatikramah
yad-vakyato dharma ititarah sthito
na manyate tasya nivaranam janah

Srimad Bhagavatam (1:5:15)

"Sinong makapagbibigay ng higit sa anumang bagay kaysa sa iyo sa makamundong daigdig na ito? Wala kahit isa. Ngunit kung ano ang iyong ibinigay ay hindi sapat para sa bawat isa. Maaari silang magsanay ng sarili nilang relihiyon sa pamamagitan ng batas ng Banal na Kasulatan ng Vedic, ngunit kung yaon ay hindi makapagbibigay ng buhay sa lahat, ano ang halaga noon?

"Nakapagpaputok ka na ng napakaraming malalaking bomba, sa anyo ng iyong Vedic mantras, ngunit walang positibong reaksyon ang magaganap sa mga puso ng mga kaluluwang jiva sapagkat hindi nila susundin ang tamang proseso ng relihiyon.

"Dharma-krte 'nusasatah — kahit ang relihiyon ay naisasagawa nang tama, kung sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa batas ng Vedas, ang kaluluwang jiva ay hindi makakukuha ng pinakamatinding pakinabang ng kanilang espirituwal na pamumuhay. Sa pamamagitan ng sravan at kirtan (pagdinig at pag-awit ng kapurihan ng Diyos) ang mga malalayang kaluluwa at ang tagasunod ng pagkaunawang Krishna ay magkakamit ng pagkakuntento sa kanilang buong pagkabuhay at tunay na buhay.

"Ang magsanay ng pangkalahatang relihiyon ng Vedas ay walang halaga kung ang isa ay hindi nagiging higit at higit na may kaugnayan sa sravan at kirtan. Sa tulong ng Banal na Kasulatan ng Vedic, maaari silang makakuha ng kalayaan ngunit pagkatapos ng kalayaan ano ang magtutustos sa kanilang buhay? Ano ang gawain ng kanilang buhay? Ano ang tungkulin ng kanilang buhay? Hindi ka nagbigay ng detalye niyon."

Ang malinaw na halimbawa nito ay ibinigay ni Ramananda Raya nang nagpahayag siya kay Mahaprabhu ng prinsipyo ng sva-dharma-tyag kasama ng berso mula sa Bhagavad Gita:

sarva-dharman parityajya / mam ekam saranam vraja
aham tvam sarva-papebhyo / moksayisyami ma sucah

"Iwanan ang lahat ng uri ng relihiyon, isuko ang lahat sa akin lamang. Palalayain ko kayo sa lahat ng kasalanan, kaya huwag ng malungkot."

Ipinahayag ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, "Oo, ngunit ito ay sa panlabas. Hindi ito walang hanggan. Sabihin mo sa akin ano ang walang hanggang relihiyon."

Matapos lisanin lahat ng pamamaraan sa relihiyon, pagkaraang ang kaluluwang jiva ay sumuko ng tuluyan sa Panginoong Diyos na si Krishna ang mamamahala sa kanyang espirituwal na buhay, ngunit nananatili pa rin itong hindi sapat. Ito ay nakasaad sa berso, mam ekam saranam vraja: "Halika at manirahan ka ng eksklusibo sa akin. Ako ang bahala sa iyong espirituwal na buhay." Si Krishna mismo ang nagsabi niyon, ngunit ang sinabi ni Mahaprabhu ay hindi sapat.

Tinanong ko ang aking Guru Maharaj bakit sinabi ni Mahaprabhu na hindi yaon sapat? Tumugon siya, "Dahil walang paglilingkod sa Diyos; walang paglilingkod ang inilarawan para sa Diyos..."

[Download PDF para ilimbag]

Pahina | Misyon | Gurus | Mga aklat | Mga larawan | Deboto | Kontak

http://philippines.scsmath.org/books/darshan.html
Sri Chaitanya Saraswat Math — Sangay ng Pilipinas