Mga ulat tungkol sa larawan
Ang mga gawain, at mga proyekto ng SCS Math sa Pilipinas
Ito'y ilan lang sa mga gawain at proyekto ng Sri Chaitanya Saraswat Math sa Pilipinas katulad ng pag-awit ng napakatandang dakilang Mantra, pagtuturo ng pagluluto, pangangaral sa mga palaboy na kabataan, sa mga babae at lalaking nasa loob ng kulungan at namamahagi ng mga banal na aklat.
Sa pamamagitan ng biyaya na nanggaling kay Sri Guru Gauranga na kasama namin si Sripad B.K. Tyagi Maharaj.
Si Ratnanabha Prabhu ay masaya sa natapos na tubo ng paagusan.
Tinitignan mabuti ni Ishani Devi Dasi ang ginawang bubong ng hagdanan.
Mga plato sa pag-alay, mga rosaryong pandasal, at buklet na binigay ng mapagpalang si Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj.
Sa larawan na ito sa dulo ay ang Ina ni Jai Gauranga Prabhu na nagngangalang Jahnavi Devi Dasi.
Pinakikita ni Ishani devi dasi ang Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines center at ang natapos na pag-install ng linya ng kuryente.
Tulad ng nakikita ninyo mula sa mga larawan ay napakasaya niyang kausap.
Pinaliwanag ni Ratnanabha Prabhu ang tungkol sa doktrina ni Chaitanya Mahaprabhu ang pagmamahal ng Panginoon.
Pagkatapos mamimili ng mga gulay sa Manila si Ishani devi dasi ay namigay ng libreng libro ng Sri Chaitanya Saraswat Math.
Habang namimili sa palengke ng Pandi ay namigay ng mga libreng aklat ng Sri Chaitanya Saraswat Math si Ishani devi dasi.
Ibinabahagi ni Ratnanabha Das ang mga aral sa Sri Gita ang Lihim na Kayamanan, sa mga mag-aaral at habang isinasalin ni Ishani Devi Dasi sa salitang tagalog.
Nagbigay ng libro at impormasyon tungkol sa Sri Chaitanya Saraswat Math si Ratnanabha Das sa mga tapat na naghahanap, sa araw ng kapiyestahan ng (Earth Day) sa Quezon City Circle.
Ito ang pansamantalang tirahan nang Sri Chaitanya Saraswat Math Sangay ng Pilipinas. Ako at si Ratnanahba Das ay nakipag-meting sa mga misyonaryong Kristiyano.
Si Ishani Devi Dasi ay namigay ng tagalog na libro ng Sri Chaitanya Saraswat Math sa isang miyembro ng peace misyon.
Si Ishani Devi Dasi ay nagbibigay ng pamplet sa isa sa mga lokal na titser sa Nabadwip.
Si Ratnanabha Prabhu tinuturuan ang mga bata kung paano umawit ng Nitai Gauranga.
Makikita ang Sri Bamunpara Templo sa nayon ng lugar ng kapanganakan ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj.
Si Ratnanabha Prabhu ay namahagi ng pamplet sa mga istudyante na gumagawa ng dukumental.
Ipinaliwanag ni Srila Acharyadev ang kahulugan ng kanilang mga pangalan at ang maha-mantra. Ang kanilang mga spirituwal na pangalan ay Pran Krishna Das (Pablo), Jadu Gopal Das (Jeff) at si Mandakini Devi Dasi (Melanie).
Ang mga pulis sa loob ng kulungan na intresadong nagtatanong tungkol sa pilosopiya ng Sri Chaitanya Saraswat Math.
Ipinaliliwanag ang pilosopiya ng Sri Chaitanya Saraswat Math sa Global Peace Festival sa Luneta Park.
Pagkatapos ng program sa loob ng kulungan, ang ibang pulis naman ay nagtatanong kay Ishani Devi Dasi tungkol sa pilosopiya ng Sri Chaitanya Saraswat Math.
Pagpapakilala sa pilosopiya ng Sri Chaitanya Saraswat Math sa Cheers reabilitasyon sa Tagaytay.
Pahina | Misyon | Gurus | Mga aklat | Mga larawan | Deboto | Kontak
http://philippines.scsmath.org/photos/index.html
Sri Chaitanya Saraswat Math — Sangay ng Pilipinas