SCS Math

Lord Chaitanya Ang Engkarnasyon ng Banal na Pag-ibig

Maikling aklat ipinakilala dito ang mga pangyayari sa buhay, mga turo, at mga himala ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, ang pagbibigay-diin sa natatanging damdamin ng debosyon, ang Ananya-suddha-bhakti, na pinakamahalaga sa Kanyang mga turo.

At isinalaysay din ang paglalakbay ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, at ipinakilala din ang kanyang mga Pinakamataas na Kapanalig, at ang huling handog-Siksastakam.

Download PDF para Basahin

Ang Buhay Ni Sri Chaitanya Mahaprabhu

krsna-varnam tvisa krsnam / sango pangastra-parsadam
yajnaih sankirtana-prayair / yajanti hi su-medhasah

Srimad Bhagavatam (11:5:32)

"Sa Panahon ng Kali, ang mga matatalinong tao ay nagpapamalas ng sama-samang pag-awit upang magpakita ng pagsamba sa engkarnasyon ng Diyos na patuloy na umaawit sa Pangalan ni Krishna. Kahit na ang kutis niya ay hindi maitim, Siya pa din si Krishna. Kasama niya ang kanyang mga kapanalig, tagapaglingkod, sandata at lihim na kaibigan."

Ang Nakakubling Engkarnasyon

Sa Srimad Bhagavatam, nabanggit ang pahiwatig upang maunawaan si Sri Chaitanya Mahaprabhu bilang espesyal na engkarnasyon para sa Panahon ng Kali. Hindi tulad ng Avatars ng ibang yugas, kung saan ang mga bumaba ay inilarawang mabuti, ang paglalarawan para sa Kali-yugavatara ay ipinahayag sa misteryosong pamamaraan. Ito ang espesyal na katangian ni Panginoong Chaitanya. Hindi Siya nagpakita bilang Pinakamakapangyarihang Panginoon, subalit sa ibang katauhan, bilang tunay na deboto.

Sa tuwing ninanais ng Pinakamakapangyarihang Panginoon na ipakita ang Kanyang sarili sa mundo, inaayos muna niya ang pagbabalik ng Kanyang walang hanggang mga kapanalig. Mga nilalang tulad ng Kanyang magulang, ang Kanyang Banal na guru, ang iba pang miyembro ng pamilya at mga malalapit na kaibigan, mananampalataya at marami pang iba, mga nabuhay na magmuli bago o pagkatapos Niya. Nagpakita sila sa magkakaibang antas ng Kanyang Lila o pagsasabuhay upang tumulong sa mga kilos ng banal na misyon ng Panginoon.

Ang Kanyang Pagpapakita

Nagpakita si Sri Chaitanya Mahaprabhu sa Mayapur, Distrito ng Nadia, sa kabilugan ng buwan noong gabi ng buwan ng Phalguna sa taong 1407 Sakabda. Ang buwan ay eklipse noong Siya ay ipinanganak, at ang mga tao ng Nadia ay naligo sa Ilog Ganges bilang paniniwala sa ganoong pagdiriwang, malakas na umaawit ng Pangalan ni "Hari." Si Jagannath Misra ang Kanyang ama at si Sachidevi ang Kanyang ina, pareho ay nagmula sa pamilyang brahmana. Ang Kanyang lolo sa ina ay si Pandit Nilambara Chakravarti, isang tanyag na astrologer. Hinulaan niya na ang sanggol ay magiging dakilang nilalang ng panahon, kaya't ibinigay niya ang pangalang Visvambhar. Ang mga kababaihan ng lugar ay tinawag Siyang Gaurahari dahil sa Kanyang malagintong kutis. Ang Kanyang ina ay tinawag Siyang Nimai, isang pangalan ibinigay sa Kanya ni Sita Thakurani, ang asawa ng dakilang paham na si Adwaita Acharya, dahil ipinanganak Siya sa ilalim ng puno ng neem. Sa paglaki ng magandang si Nimai, Siya ay naging makulit at batang nahilig sa laro.

Ang Mga Unang Bahagi ng Kanyang Buhay

Sa mga Kasulatang Sri Chaitanya Bhagavat at Sri Chaitanya Charitamrita, sina Sri Vrindavan Das Thakur at Srila Krishnadas Kaviraj Goswami ay nagbigay ng maliwanag na paglalarawan sa mga pangyayari sa buhay ni Sri Chaitanya Mahaprabhu. Ang mga buod ng ilan sa mga kwento ay maikling ibinigay dito:

Sa isa sa mga ito noong bata pa siya, ang Panginoon ay sinadyang bumaligtad habang nakahiga sa Kanyang kama upang ipakita sa Kanyang magulang ang mga tiyak na marka ng Panginoong Vishnu, ang watawat, thunderbolt, conch-shell, disc at isda sa Kanyang paanang lotus.

Ang Panginoon, bilang bata, ay madalas umiiyak. Ang Kanyang ina at mga kapitbahay na babae ay natuklasan na ang tanging paraan para mapatahan Siya ay ang awitan Siya ng "Hari!" "Hari!" Titigil na Siyang umiyak at ngingiti na. Ang tunay niyang intensyon ay upang mapilit ang lahat na umawit ng Banal na Pangalan ng Panginoon. Dahil dito, nagkaroon ng tuluy-tuloy na pagsambit ng Harinam sa tahanan, pagsasabi ng magaganap na misyon ng Panginoon sa hinaharap.

Ikaanim na buwan pagkaraang ipanganak Siya, ang tradisyunal na annaprasanna ay ginanap, kung saan ang sanggol ay binibigyan ng solidong pagkain sa unang pagkakataon. Ito ang ritwal upang masubok ang kakayahang natural ng bata sa pamamagitan ng paglalagay ng iba't-ibang bagay sa bata tulad ng ginto, pilak, pagkain at aklat pangrelihiyon. Ang sanggol na si Nimai ay inabot ang Srimad Bhagavatam. Ito ang maagang indikasyon ng malaking bahagi ng misyon ng Kanyang buhay.

Minsan, ang Kanyang inang si Sachi ay hihiga sa kanyang kama katabi si Nimai at gulat na gulat na makikita na ang buong bahay ay puno ng mga bisita mula sa daigdig ng mga banal upang magbigay pugay sa kanyang banal na anak.

Minsan ang isang brahmana na naglakbay ay naging panauhin sa tahanan ni Jagannath Misra. Ang brahmana ay naghanda ng pagkaing-handog at nag-alay ng panalangin habang nagmumuni muni tungkol kay Krishna. Ang munting Nimai ay dumating at kinain ang kanin. Nagulat man ang brahmana, nagluto pa din siya ng kanin dahil sa kahilingan ni Jagannath Misra. Muli, si Nimai ay dumating at kinain ang kanin habang inihahandog ng brahmana kay Krishna ang kanin sa pamamagitan ng kanyang pagmumuni muni. Pumayag na magluto muli ang brahmana. Sa oras na iyon, lahat ng tao na naroroon ay nakatulog na at si Nimai ay nagpakita bilang si Krishna, ang Pinakamakapangyarihang Katauhan ng Panginoong Diyos, at pinagpala ang brahmana. Ang brahmana, na hindi agad naunawaan ang kanyang mabuting kapalaran, ay napuspos ng kaligayahan dahil sa pagpakita ng sanhi ng kanyang pagsamba.

Minsan, may dalawang magnanakaw na kinuha ang munting Nimai mula sa tahanan ng Kanyang ama dahil hangad nilang kuhanin ang mga alahas Niya. Nagbigay sila sa Kanya ng matamis na pagkain sa daan. Subalit, pinagana ni Nimai ang Kanyang mapanlinlang na lakas at dinala muli ang mga magnanakaw pabalik sa kanyang tahanan. Ang mga magnanakaw, dahil sa takot na mahuli, ay iniwan ang bata doon at tumalilis na lamang.

Noong siya ay sanggol na gumagapang pa lamang sa kanilang halamanan, may ahas na nagpakita sa Kanya. Nagsimulang makipaglaro doon si Nimai at humiga Siya sa pulupot ng ahas. Nagsisigaw ang mga tao sa takot, subalit mahinahong ngumiti lamang si Nimai. Ang ahas, na si Sri Ananta Sesa sa tunay na katauhan, ay gumapang palayo nang marinig ang pagakakagulo ng tao. Pinilit itong habulin ng munting Nimai ngunit hinabol Siya ng mga kababaihan at pinigilan.

Pahina | Misyon | Gurus | Mga aklat | Mga larawan | Deboto | Kontak

http://philippines.scsmath.org/books/chaitanya.html
Sri Chaitanya Saraswat Math — Sangay ng Pilipinas