Pinakamahalagang Panalangin
Panca-Tattva Sasamba
(jaya) sri-krsna-caitanya prabhu nityananda
sri-advaita gadadhara srivasadi-gaura-bhakta-vrnda
Mayroong sampung pagkakasala sa pagdarasal ng Hare Krishna maha-mantra, ngunit ang mga ito ay hindi isinasaalang-alang ang pag-awit ng Panca-Tattva mantra. Sri Chaitanya Mahaprabhu ay ang pinaka-mapagbigay-loob na engkarnasyon, hindi siya nagsaalang-alang sa kasalanan ng mga kaluluwang nalugmok. Kaya upang kunin ang buong benipisyo ng pag-awit ng maha-mantra, dapat muna tayong kumanlong kay Sri Chaitanya Mahaprabhu.
Hare Krishna Maha-Sasamba
hare krsna hare krsna / krsna krsna hare hare
hare rama hare rama / rama rama hare hare
Sa pangalan ng Rama sa loob ng Hare Krishna mantra, matatagpuan ng
Gaudiya Vaishnavas si Radha-ramana Rama. Ang ibig sabihin nito ay,
si "Krishna, na nagbibigay ng kasiyahan (raman) kay Srimati
Radharani." Sa aming palagay, ang Hare Krishna mantra ay malawak na
kamalayang Krishna, hindi sa kamalayang Rama. Si Sri Chaitanya na
ang pinakamataas na pagkaunawa sa mga bagay-bagay ay laging svayam
bhagavan, krsna-lila, radha-govinda-lila. Iyon ang tunay na layunin ng
pagdating at mga pagtuturo ni Sri Chaitanya Mahaprabhu. Sa
pagsasaalang-alang, ang Hare Krishna mantra ay hindi binanggit ang
Rama lila ng Ayodhya sa lahat. Walang koneksyon sa pinakamataas na
kabatiran ng Hare Krishna mantra. Ang pagkaunawa sa loob ng
mantra ay responsible para sa ating mga espirituwal na kakayahan.
Ang pagkaunawa sa loob ng deboto ay gagabay sa kanya sa kanyang
destinasyon.
—Mapagmahal sa Paghahanap para sa Nawawalang Tagapaglingkod
(Pahina 92)
Vandana
Panalangin para sa mga Vaishnava Acharya, at sa Diyos ng Sri Chaitanya Saraswat Math at sa kanilang Misyon:
Mangalacarana
vande 'ham sri-guroh sri-yuta-pada-kamalam sri-gurun vaisnavams' ca
sri-rupam sagrajatam saha-gana-raghunathanvitam tam sa jivam
sadvaitam savadhutam parijana-sahitam krsna-caitanya-devam
sri-radha-krsna-padan saha-gana-lalita-sri-visakhanvitams' ca
Panalangin ni Srila Krishnadasa Kaviraj: "Una ako ay nag-aalay ng aking pagpipitagan sa lotus na paanan ng aking mga espirituwal na guro at ang mga nangangalap na mga espirituwal na maestro at mga maunlad na Vaishnavas. Kasunod ang pagbibigay-galang ko sa aking mga guro na naghayag ng banal na kasulatan, na sila Srila Rupa Goswami, ang kanyang mga nakatatandang kapatid na lalaki, Srila Sanatan Goswami, Srila Raghunath Das Goswami, at Jiva Goswami. Ako'y naghahandog ng aking pagpipitagan kay Sri Chaitanya Mahaprabhu nasa mataas na Kaanyuan, na dumating kasama ng kanyang mga kagamitan at kasamahan, at sumama din sa kanya ang mga dakilang personalidad katulad ni Sri Nityananda Prabhu at Sri Advaita Acharya. Ako ay nag-aalay ng aking paggalang sa lotus na mga paanan ni Sri-Sri Radha at Govinda na nasa pinaka-mataas na Kaanyuan, at sa lahat ng ang mga gopis, sa pamumuno nina Lalita at Visakha devi."
Sri Guru Pranama
om ajnana-timirandhasya / jnananjana-salakaya
caksur unmilitam yena / tasmai sri-gurave namah
Pahiran ng nakagiginhawang panlunas ng sambandha jnana, isang angkop na kaalaman sa kapaligiran, iminulat ng aking espirituwal na guro ang aking mga mata at sa gayong paraan iniligtas ako mula sa karimlan ng kamangmangan, tumupad sa mga hangarin ko sa aking buhay. Iniaalay ko ang aking paggalang kay Sri Gurudeva.
Srila Acharya Maharaj Pranati
pujya-sri-guru-varga-vandita-mahabhavanvitayah sada
paurvaparya-parampara-prachalita-prajya-pramurtakrteh
bhakter nirmala-nirjharasya nibhrtam samraksakam sadaram
vande sri-gurudevam anata-sira acharya-varyam nijam
Yumuyukod ako na may walang hanggan paggalang sa aking Gurudev, ang pinakamahusay na Acharyas, Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj. Siya ang kailanman mapagbantay, matatag na tagapag-alaga ng dalisay na debosyon na ang pinakamataas na kaanyuan na lumilitaw mula sa aming mga pinaka-sasambang Sri Rupanuga varga Guru-sa kanilang mga eksklusibong dedikasyon sa Mahabhava, Srimati Radharani.
Srila Govinda Maharaj Pranati
gurvabhista-supurakam guru-ganair asisa-sambhusitam
chintyachintya-samasta-veda-nipunam sri-rupa-panthanugam
govindabhidham ujjvalam vara-tanum bhakty anvitam sundaram
vande visva-gurun cha divya-bhagavat-premno hi bija-pradam
Sinasamba ko ang banal na lotus na paanan na siyang ganap na tumupad sa pinakatatanging hiling ng kanyang Banal na Guro; na nagaganyakan nang kapuri-puring ningning ng mapagmahal na mga biyaya ng kanyang guro varga; na siyang bihasa sa lahat ng mga kaunawaang Vediko, parehong nauunawaan at di-nauunawaan; na siyang matapat na tagasunod ni Sri Rupa; na kilala bilang Srila Govinda Maharaj; na ang kanyang magandang dakilang katauhan ay ipinagbubunyi sa katamisan ng dakilang pag-ibig; na siyang Guro ng buong sandaigdigan at ang Tagapangalaga ng mga binhi ng dakilang pag-ibig para sa Pinakamataas na Panginoong Diyos.
Srila Sridhar Maharaj Pranati
devam divya-tanum suchanda-vadanam balarka-celancitam
sandrananda-puram sad-eka-varanam vairagya-vidyambudhim
sri-siddhanta-nidhim subhakti-lasitam sarasvatanam-varam
vande tam subhadam mad-eka-saranam nyasisvaram sridharam
Nagpatirapa ako sa paanan ni Srila Sridhar-Deva, na siya na may kahali-halinang pagpapahayag ay umaawit ng kanyang mga awitin ng matamis na nektar. Nadadamitan ng mga magarang kasuotan tulad ng bagong sikat na araw, siya ang tunay na santo na pinili ng mga deboto. Ang kanyang kawalang-bahala at kaalaman ay tulad ng mga karagatan, ang tahanan ng kumpletong kayamanan, ganap na konklusyon. Siya ay maningning sa pag-aaliw ng mapagmahal na debosyon, ang tahanan ng dalisay na kasiyahan, tagapangalaga ng magandang kapalaran; nangungunang tunay na tagasunod ni Srila Bhaktisiddhanta, pangunahing dakilang heneral, ng buong sistema ng sannyasa, ang aking panginoon at ang aking guro, ang tangi kong kanlungan, ako ay sumasamba sa kanyang mga paanan, Srila Sridhar-Deva.
Srila Saraswati Thakur Pranati
sri siddhanta-sarasvatiti viditau gaudiya-gurv-anvaye
bhato bhanur iva prabhata-gagane yo gaura-sankirtanaih
mayavada-timingilodara-gatan uddhrtya jivaniman
krsna-prema-sudhabdhi gahana sukham pradat prabhum tam bhaje
Sa hanay ng mga dakilang guro ng Gaudiya Vaishnava, gaya ng bantog na si Srila Bhaktisiddhanta Saraswati. Siya'y katulad ng nagniningning na araw ng langit sa umaga, siya ay dumating upang iligtas lahat ang mga kaluluwang nilalamon na ng impersonal na pilosopiya. Sa pamamagitan ng paglaganap ng mga aral ng panginoong Gauranga na umaawit ng banal na pangalan ng panginoong Sri Krishna, na nagbigay sa lahat ng pagkakataon na sumisid sa karagatan ng pag-ibig ni Sri Krishna, ang Kataas-taasang Katauhan. Si Srila Bhaktisiddhanta, ang aking panginoon, banal na maestro at sa kanyang mga paanan ako ay dumadalangin na makapaglingkod sa kanya magpakailanman.
Srila Gaurakishora Pranati
namo gaura-kisoraya
bhaktavadhuta-murtaye
gauranghri-padma-bhrngaya
radha-bhava nisevine
Ako ay yumuyukod sa ating Guro, Srila Gaurakishora Das, ang dalisay na deboto na lampas sa paguuri ng lipunan; ang bubuyog sa lotus na mga paanan ni Sri Gauranga, na sa kaibuturan ng kanyang puso ay naglilingkod kay Sri Radha magpakailanman.
Srila Bhaktivinoda Pranati
vande bhakti-vinodam
sri gaura-sakti-svarupakam
bhakti-sastrajna-samrajam
radha-rasa-sudha-nidham
Ako ay yumuyukod kay Sri Thakur Bhaktivinoda, kumakatawan sa banal na pag-ibig ni Mahaprabhu. Siya ang hari na nakababatid ng lahat ng layunin ng banal na kasulatan, at siya ay ang karagatan ng debosyon para kay Sri Radha.
Srila Jagannatha Pranati
gaura-vrajasrita sesair
vaisnavair-vandya-vigraham
jagannatha-prabhum vande
premabdhim vrddha-vaisnavam
Ang dakila kagalang-galang na ninuno ng dalisay na debosyon, minamahal ng lahat ng Vaishnavas ng Nabadwip at Vrndavana — ako ay sumasamba sa mga paanan ng dakilang Vaishnava Guro, ang karagatan ng pag-ibig, Srila Jagannatha Prabhu.
Sri Vaishnava Pranama
vancha-kalpatarubhyas ca / krpa-sindhubhya eve ca
patitanam pavanebhyo / vaisnavebhyo namo namah
Yumuyukod ako sa mga banal na paanan ng mga Vaishnava, na katulad ng mga puno ng pagnanasa, na magagawang tuparin ang lahat ng hangarin ng mga deboto. Ang Panginoon ng mga deboto ay maihahambing sa isang malawak na karagatan ng walang dahilang habag, kagaya ng iniligtas ang sawing palad na mga kaluluwa mula sa materyal na buhay. Nag-aalay ako ng lahat ng paggalang sa kanila.
Sri Pancha-Tattva Pranama
panca-tattvatmakam krsnam / bhakta-rupa-svarupakam
bhaktavataram bhaktakhyam / namami bhakta-aktikam
Ako ay naghahandog ng ang aking magalang na pagpipitagan sa Panginoong Sri Krishna, sa Kanyang limang aspeto ng likas na katangian na kilala bilang panca-tattva: Ako ay nagbibigay-galang kay Sri Gaurangadeva, na nagpakita bilang isang deboto ng Panginoon upang lasapin ang kanyang sariling panloob na kapayapaan. Bukod dito ako ay yumuyukod at nagbibigay galang sa Panginoong Nityananda Prabhu, na pareho rin ng anyo at nakatatandang kapatid na lalaki ni Sri Gauranga. Kasunod nito ako ay nagbibigay galang sa dakilang Personalidad na si Sri Advaita Prabhu, na isang enkarnasyon ng deboto ng Panginoon, at ang walang hanggan kasamahan na katulad ni Srivasa Pandit, na naglilingkod sa Panginoon sa mapagmahal na relasyon. Sa wakas, ako ay yumukod sa paanan ng mga deboto na nagtataglay ng tunay na kapangyarihan ng dalisay na paghahandog sa kanilang mga kamay: Sri Ramananda Raya Sri Gadadhara Pandit, at Sri Svarupa Damodara.
Sri Gauranga Pranama
namo maha-vadayaya / krsna-prema-pradaya te
krsnaya krsna-caitanya / namne gaura-tvise namah
Ako ay nag-aalay ng aking paggalang sa Panginoon Gauranga, na ang banal na Ginintuang kutis ay nagniningning at nagtataglay ng mga katangian ng pinaka-mapagbigay na engkarnasyon. Ang Kanyang mga espirituwal na paglilibang ay malayang nagbibigay ng dalisay na pag-ibig para sa Panginoon Krishna para sa lahat. Siya ay ang Panginoon Krishna na kilala sa Kali-Yuga bilang si Sri Krishna Chaitanya.
Sambandha-Adhideva Pranama
jayatam suratau pangor / mama manda-mater gati
mat-sarvasva-padambhojau / radha-madana-mohanau
O Sri-Sri Radha-Madanamohana, ako ay isang mahina, masalantain at ang aking pahat na katalinuhan ay buhos sa kasuklam-suklam na materyal na mga bagay. Masuyong pahintulutan ang taos-pusong debosyon ng paglalaan na pumailanglang para sa eksklusibong yaman ng aking buhay ang iyong mga lotus na paa. Kahimanawari'y ang iyong Panginoon, na napaka-maawain at mapagmahal, ay magtagumpay magpasawalang-hanggan.
Abhidheya-Adhideva Pranama
divyad-vrndaranya-kalpa-drumadhah
srimad-ratnagara-simhasana-sthau
srimad-radha-srila-govinda-devau
presthalibhih sevyamanau smarami
Ako ay palaging nagnilay-nilay sa Banal na Magsing-irog na sina Sri Sri Gandharva Govinda, na nakaupo sa kahanga-hangang trono na labis na napalamutian ng maningning na hiyas. Sila ay nakaupo sa loob ng mga tanyag na kagubatan ng Vraja, sa ilalim ng isang punong naggagawad ng bawat naisin ng isip na naakit, kasama ng Kanilang nakatalagang tagapaglingkod tulad ni Sri Rupa Manjari, Lalita Devi, at iba pang mga kapalagayang-loob na tagapaglingkod tulad ng priyanarma sakhis.
Prayojana-Adhideva Pranama
sriman rasa-rasarambhi / vamsi-vata-tata-sthitah
karsan venu-svanair gopir / gopinathah sriye 'stu nah
Si Sri Gopinatha, na siyang nagbuyo na magpalitan ng matamis na debosyon, na siyang nakatayo sa pampang ng ilog Yamuna at ang espesyal na lugar na tinaguriang Vamsivata. Doon, ang matamis na tunog ng kanyang plauta ay likas na nakaakit ng puso ng mga dalagang pastol ng Vraja Dham. Nawa'y ang mapang-akit na Panginoon ay dalhin sa ating kalooban ang kanyang mapagbiyayang yakap.
Sri Tulasi Pranama
vrndayai tulasi-devyai priyayai kesavasya ca
krsna-bhakti-prade devi satyavatyai namo namah
Akoy walang hanggang naghahandog ng pagpipitagan kay Sri Vrindadevi, Srimati Tulasi Maharani, na siyang pinakamamahal ng Panginoong Kesava. Ako yumuyukod kay Satyavati na siyang may kakayahang magbigay ng dalisay na pagtatalaga sa panginoong Krishna.
Sri Acharya Pranama
atha natva mantra-gurun / gurun bhagavatarthadan
vyasan jagat-gurun natva / tato jayo mudirayet
Ngayon, pahintulutan akong yumukod sa harapan ng lahat aking mga espirituwal na guro: ang guro na siyang nagbigay sa akin ng dakilang mantra, at gayon din sa lahat ng nagturo sa akin ng kahulugan ng Srimad Bhagavatam. Pahintulutan akong maghandog ng aking magalang na pagpipitagan kay Srila Vyasadeva, ang espirituwal na maestro ng buong daigdig at ang nagbigay ng lahat-pagtatagumpay sa mga konklusyon ng Srimad Bhagavatam.
Kongklusyon
jayah sa-parikara sri-sri-guru-gauranga-gandharva-govinda-sundarapadapadmanam jayastu!
Pahintulutan ang banal na lotus na mga paanan ni Sri Gurudeva, Sriman Mahaprabhu, at Sri Sri Gandharva Govindasundara, kasama ang kanilang walang hanggan kasamahan, ay maging matagumpay sa lahat ng dako!
Pahina | Misyon | Gurus | Mga aklat | Mga larawan | Deboto | Kontak
http://philippines.scsmath.org/vandana.html
Sri Chaitanya Saraswat Math — Sangay ng Pilipinas