SCS Math

Ang Transendental na Kaalaman at Ang Mapalad na Kaluluwa

ni Srila Bhakti Sundar Govinda Maharaj

Deboto: Maharaj, bagaman maaaring pangkaraniwan nang makakuha ng kaalaman mula sa isang panlabas na pinagmulan, na maaari nating makita sa katayuan ni Srila Guru Maharaj na ang transendental na kaalaman ay palaging nagmumula sa kanyang sarili.

Srila Govinda Maharaj: Oo, ito ay isang mahalagang katotohanan. Minsan si Srila Guru Maharaj ay bumisita sa Badarikashram sa Himalayas, at habang siya ay nandoon siya ay nagka-pulmonya at naratay sa higaan na may temperatura ng 102 o 103 grado. Wala ako sa okasyon na iyon ngunit ang iba pang mga pinagpipitagang kapatid sa pananampalataya at mga disipulo ni Guru Maharaj ay sinamahan siya.

May isang paham na pandit na dumating at gustong makipag-debate kay Guru Maharaj ngunit narinig niya na si Guru Maharaj ay may sakit kaya napagpasyahan niyang huwag na siyang abalahin pa. Sa halip siya ay nagsimula sa kanyang pilosopikong salita sa iba pang mga Vaishnavas na naroroon. Ang lahat ng mga deboto ay lubos na kwalipikado sa kaalaman ng banal na kasulatan, ngunit wala sa kanila ang maaaring tumalo sa mapagmataas na pandit.

Samantala narinig lahat ni Guru Maharaj, mula sa sa kanyang kuwarto sa magkadugtong na silid, na hindi niya pahihintulutan ang mga salungat na argumento ng pandit na hindi magapi. Kaya sa kabila ng kanyang mataas na temperatura at malubhang kondisyon, si Guru Maharaj ay umupo at nagsabing, "Dalhin ang taong iyan sa akin." Ito'y imposible, ang lahat ay namangha, at ang pandit ay lumapit kay Guru Maharaj nang may dakilang paggalang.

Sinabi ni Guru Maharaj, "Ako ay may matinding karamdaman ngunit kung maaari mong sabihin sa akin ang diwa ng iyong tanong, ay susubukan kong sagutin."

Ipinagpalagay na isang agnostiko ang pandit ay nagtanong, "Saan ang patunay na ang kaluluwa ay namamalagi sa loob ng katawan? Mapapatunayan mo ba ito?"

Tumugon si Guru Maharaj sa pamamagitan ng pagbanggit sa isang taludtod mula sa Srimad Bhagavatam, "Ang lahat ay nagtatanong kung ang atma (kaluluwa) ay namamalagi o hindi, at ang debate ay nagpatuloy. Ang bawat isa ay nagbigay ng kanilang opinyon batay sa kaalaman na nakalap mula sa mga panlabas na mundo, ngunit ang atma ay liwanag at sa pamamagitan ng liwanag na ito ang kaalaman ay maaaring makita. Dahil sa kapangyarihan nang kaluluwa kaya sila nakakapagdebate. Bagaman't hindi maaaring makita, ito ang liwanag sa loob ng katawan na kung saan ang kapangyarihan ay nagbibigay-daan para makakita, makalakad, makapagsalita at gumawa ng kahit ano."

Sa pagdinig sa taludtod mula sa Srimad Bhagavatam ang pandit ay kaagad tinanggap ang pagkatalo at buong kababaang-loob na sumang-ayon, "Maharaj, alam ko din ang sloka na yan ngunit ikaw ay mayroong damdamin sa atma samantalang ako ay wala. Dahil nakikita mo ang atma madali mo agad nasagot ang aking mga katanungan subali't ako ay hindi ko maibigay ang sagot nang mabilis, at iyon ang ating pagkakaiba."

Ang kalooban ng pandit ay nagbago at siya ay nagpakanlong sa lotus na paanan ni Srila Guru Maharaj at nagpatuloy sa pagtalakay sa mga Banal na Kasulatan. Ang lahat ng mga Vaishnava, sadhu ay namangha na sa loob lamang ng tatlumpung segundo o higit pa ang mahusay na mapagmataas na pandit ay nagapi.

Makikita natin, na ang kaalaman at ang transendental na kaalaman ay hindi parehong bagay. Nag-iipon tayo ng mga kaalaman sa pamamagitan nang ating mga kamalayan sa antas na ito, ngunit ang transendental na kaalaman ay lumilitaw sa puso, sa pamamagitan ng paghahatid mula sa may ganap na kamalayan sa banal na pamantayan.

Deboto: Ito'y tila ang walang tunay na pag-ibig at serbisyo sa Guru, ang masyadong maraming kaalaman ay maaaring maging isang problema sa ating mga espirituwal na buhay.

Srila Govinda Maharaj: Oo, ito ay kapos-kapalaran na problema, at nakita ko na ito maraming beses sa aking karanasan sa misyon na ito. Lahat tayo ay may ilang kapangyarihan sa pag-unawa ngunit ang pag-kaunawa ay batay sa ating makamundong karanasan, samakatuwid anumang makita ng ating mga mata ay makamundo. Ang ganitong uri ng pananaw ay lumawak simula pa ng ating pagkabata at bagaman maaari tayong bumuo ng mahusay na kadalubhasaan sa anumang ibinigay na kaalaman, gayon man ito ay makamundo pa rin. Na ang kaalaman ay maaaring maging isang balakid sa ating debosyonal na buhay. Sa pamamagitan lamang ng awa ng Guru ay maaari nating pagtagumpayan ang mga balakid na ito, kung hindi man ito ay imposible.

Madalas kong sabihin na ako ay apatnapung taon na sa misyon na ito ngayon, kaya mauunawaan ninyo na maraming bagay na ang aking nakita mula pa noon, ang maraming mga balakid sa debosyon, ngunit ang aking tagapag-alaga ay napaka-lakas at sa pamamagitan ng kanyang awa nalagpasan ko ang mga bagay na iyon. Dahil ako ay mayroon malakas na pananampalataya sa aking tagapag-alaga, ang ano mang nakikita kong kamalian, ay nalalagpasan ko ito ng ligtas.

Ang lahat ay may problema sa makamundong ito, ito ay ang kalikasan na may maling pamantayan, ngunit kung ito ay paghahanapan ng pagkakamali ay napaka-sama. Kung ako ay susuri ng isang tao bakit dapat kong subukan makita kung saan ang kanyang mga kamalian? Sa halip dapat kong hanapin kung saan ang magandang ugali sa taong iyon. Iyon ang dapat kong pilitin makita, at iyan ang turo sa akin nang aking maestro.

Kung meron akong matatag na maestro ay walang magiging problema. Sa pamamagitan ng biyaya ng aking Dakilang Maestro ang aking kapalaran ay maaaring magbago sa pagsunod sa kanya. Sa tingin ko, "Ako ay isang nahulog na kaluluwa, ako ay walang tunay na kapalaran ngunit ginawa niya ang aking kapalaran, kaya ako ay masuwerte," at sa ganitong paraan, ako makakukuha ng ilang tamang pananaw.

brahmanda bhramite kona bhagyavan jiva
guru-krsna-prasade paya bhakti-lata-bija

Chaitanya Charitamrita (2:7:151)

Ang ating magandang kapalaran ay ibinigay ng ating Dakilang Maestro, at kung tayo ay may malakas na pananampalataya sa ating maestro ay maaari natin malagpasan ang kahit anung bagay. Dapat wala tayong takot. Kapag ang aking maestro ay kasama ko wala akong paki-alam sa kahit na ano mang balakid. Wala akong takot na tumalon mula sa mataas na tulay sa ilog dahil ang aking tagapag-alaga ay binabantayan ako. Kung meron tayong ganitong kaisipan at maaring makakuha ng ganitong uri ng pananampalataya mula sa ating Gurudeva bukod doon tayo ay ang bhagyavan jiva, masuwerteng kaluluwa.

Mauunawaan natin kung ano ang likas na katangian ng debosyon sa pamamagitan ng biyaya ng Dakilang Maestro. Nagbigay ng babala si Krishna sa mga sawing -- palad na kaluluwa, na "Huwag saktan ang damdamin ng Aking mga deboto, huwag hamakin ang kanilang mga posisyon. Hindi mo makita kung ang kanilang mga posisyon ay mataas o mababa, kaya tuwing makikita ang Aking mga deboto, yumukod sa kanya at subukan makuha ang kanyang awa. Kung makuha mo ang kanyang biyaya sa pamamagitan ng anumang paraan iyon ang pinaka-dakilang kapalaran para sa iyo."

Pahina | Misyon | Gurus | Mga aklat | Mga larawan | Deboto | Kontak

http://philippines.scsmath.org/books/fortunate.html
Sri Chaitanya Saraswat Math — Sangay ng Pilipinas