SCS Math

Kaginhawahan sa Tahanan

ni Srila Bhakti Rakshak Sridhar Maharaj

Kung kaya sinasamantala namin ang pagkakataon na naibigay ng makabagong siyentipikong panahon upang mailathala ang mga aklat para maipahayag sa marami ang ganitong karunungan. Ang pakiramdam na bumubukal sa mga naglalathala sa ganitong paraan ay nakaiimpluwensiya ng kapaki-pakinabang hindi lamang sa makamundong daigdig, ngunit ito ay maaaring makapukaw ng mga kaluluwang nakatatag na sa espirituwal na daigdig.

Lubhang nakapagpapasaya at nakapagpapakuntento na makita ang paglabas ng ganitong lathalain ngayon — Kapanatagan sa Tahanan — Bilang Panimula sa Malalim na Kaganapan. Ito ay isang pagpili mula sa mga aralin ng ating Banal na Guro, bilang pagpapakilala sa paksang pananampalatayang espirituwal ng buhay, at para sa paglilingkod sa Kanyang Banal na Misyon, ito ay inilathala ng marami sa pamamagitan ng tunay na pagsisikap ng mga mag-aaral na nagsasanay dito.

Download PDF para ilimbag

Unang Kabanata

Kung maaari ay makinig ng mabuti sa kung ano ang aking ipaliliwanag. Sa isang siyentipikong pamamaraan susubukan kong ipaliwanag ang paksang ito sa inyo, sa kabuuan, walang kinalaman sa lahat ng relihiyosong kaalaman.

Una sa lahat, kailangan nating maintindihan na mayroong tatlong lugar ang buhay: ang lugar ng makamundong kasiyahan (plane of mundane enjoyment), ang lugar ng pagsuko (plane of renunciation), at ang lugar ng paglalaan (plane of dedication). Ang lugar ng kasiyahan ay humigit-kumulang kung saan tayo naroroon sa kasalukuyan, ang matamlay na kasiyahan ay nangangahulugan ng eksploytasyon; at kung walang eksploytasyon, walang mabubuhay sa lugar na ito.

ahastani sahastanam apadani chatuspadam
phalguni tatra mahatma jivo jivasya jivanam

"Yaong may mga kamay ay mamuhay ng hindi kasama yaong mga walang kamay." Ang mga hayop na apat ang paa ay nabubuhay sa damuhan, sa mga halamanan, at iba pa; at ang malalaking hayop ay namumuhay na hindi kasama ang maliliit na hayop." Lahat ay puno ng buhay. Ang mga halaman, damo at puno ay mayroon ding buhay, ngunit kung walang eksploytasyon, walang sinumang makapagpapanatili ng kanilang katawan sa lugar na ito.

Ito ang eksploytasyon, at tulad ng tinuran sa ikatlong batas ni Newton, sa bawat aksyon mayroong kapantay at kasalungat na reaksyon. Sa eksploytasyon ang isang tao ay nakagagawa ng pagkakautang at para linisin ang utang na yaon, kinakailangan niyang bumaba. Sa paraang ito, lubhang maraming jivas o kaluluwa ang umaakyat at bumababa, akyat at baba, dahil sa aksyon at reaksyon sa lugar ng pagsasamantala (exploitation). Ang pamayanan ay sumusubok na magsamantala (exploit) hangga't makakaya; saanpaman mayroon pa ring sumusubok na mamuhay kahit makakaperwisyo sa ibang tao. Kung wala nito, ang buhay ay magiging imposible sapagkat ito ang lugar ng eksploytasyon.

Ang mga Buddhists, mga Jains, ang mga tagasunod ni Sankara, at marami pang iba ang sumusubok na makalabas sa pagkakabuhol ng eksploytasyon at humanap ng buhay kung saan walang eksploytasyon, walang aksyon at reaksyon. Upang maiwasan ang aksyon at reaksyon sinubukan nilang humanap ng lugar ng pagsuko at dumating sila sa isang kaalaman na may pagkakahawig sa isang pagtulog na walang panaginip, yaong samadhi: ang umalis ng tuluyan mula sa objektibong mundo at manatili sa subjektibong lugar. Kung hindi papayagan ang kanilang mga nararamdaman na tumungo sa mas mababang lugar, lagi silang mananatili sa mas pansariling katayuan, at iyon ay isang bagay tulad ng pagtulog ng walang panaginip.

Mundo ng paglalaan

Ang mga Vaishnavas — yaong mga naglilingkod sa Pinakamataas na Panginoon — ay may opinyon na mayroon pang ibang mundo, ang mundo ng Paglalaan. Ang paglalaan na iyon ay ang tunay na kasalungat ng eksploytasyon. Sa makamundong lugar, bawat maliit na bahagi ay nagnanais kasangkapanin ang kapaligiran, sa kabilang banda, sa lugar ng paglalaan bawat maliit na bahagi ay nagnanais maglingkod sa kapaligiran; ang tunay na susi sa buhay ng lugar na iyon ay ang pagsilbihan ang Sentro. Nabubuhay tayo sa isang likas na kabuuan, kung kaya bawat punto ay nararapat maging totoo sa likas na Sentro. Ang paliwanag ay ibinigay sa Srimad Bhagavatam sa pamamagitan nang paghahalintulad ng paglilingkod sa ugat ng isang puno.

yatha taror mula-nisechanena / trpyanti tat-skandha-bhujopasakhah
pranopaharach cha yathendriyanam / tathaiva sarvvarhanam achyutejya

Srimad Bhagavatam (4:31:14)

Sa literatura din ng Vedic, matatagpuan nating ipinahayag doon na, "Subukang hanapin ang isang tao sa pamamagitan ng pagkilala kung sino ang nakakaalam ng lahat."

yasmin jnate sarvam idam vijnatam bhavati, yasmin prapte
sarvam idam praptam bhavati tad vijijnasasva tad eva brahma

Mayroong sentro ng punto sa pamamagitan ng pagkilala kung sino ang nakakaalam ng lahat, at sa pamamagitan ng pagkamit sa kanyang mga nakamit. Ang pinahaba at pinaikli sa kabuuan ng payong Vedic ay sumusubok na hanapin ang Sentro. Sa simula maaaring isipin ng iba na ito ay nakaga-ganyak na pag-angkin. "Sa pamamagitan ng pag-alam sa isa, lahat ay malalaman, sa pamamagitan ng pagkuha ng isa, lahat ay makukuha — ano ito? Tanging ang galit na tao ang makapagsasabi ng ganitong mga bagay!"

Kaya, isang pagha-halintulad ang ibinigay sa Srimad Bhagavatam: kapag nilagyan mo ng tubig ang ugat ng isang puno, ang buong puno ay napapakain din, at kapag nilagyang mo ng pagkain ang iyong sikmura, ang buong katawan ay napapakain; katulad nito, kapag gumawa ka ng paglilingkod sa Sentro, lahat ay napaglilingkuran. Ito ay posible, at ang paggawa noon ay nangangahulugan ng pagpasok sa lugar ng dedikasyon. Ang pag-iwas sa lugar ng eksploytasyon, gayundin yaong sa pag- suko, subukan nating pumasok sa lugar ng dedikasyon. Ang iyong sarili (atma), ang mismong kaluluwa mo, ay kasapi ng lugar na iyon. Yaon ang tunay na daigdig, kung saan ito ang maling paglalarawan.

Ang tunay na daigdig ay kung saan bawat maliit na bahagi ay nag-aalay ng kanyang sarili sa lahat, ipinapakita sa pamamgi-tan ng Sentro, tulad ng nasa isang malusog na pangan-gatawan, bawat atom ay gagawa para sa ikabubuti ng buong katawan. Kung ang atom ay gagawa para sa kanyang sarili, ito ay pagsasamantala ng matindi, at ang ganitong lokal na gawain para sa lokal na interes ay maliwanag na hindi mak-abubuti. Bawat bahagi ng katawan at bawat atom ay kinakailangang gumawa para sa ikabubuti ng buong sistema. Mayroong Sentro, at sa pamamagitan niyon, yaon ay mangyayari.

Ano ang kalagayan ng Sentro? Ito ay nababanggit sa Bhagavad Gita:

sarva-dharman parityajya / mam ekam saranam vraja

Bhagavad Gita (18:66)

Ipinaliwanag ni Krsna ang kanyang kalagayan, "Iwanan lahat ng dharmas o Gawain at kayo'y pumasaakin"...

Pahina | Misyon | Gurus | Mga aklat | Mga larawan | Deboto | Kontak

http://philippines.scsmath.org/books/comfort.html
Sri Chaitanya Saraswat Math — Sangay ng Pilipinas